Sa kabila ng hindi inaasahang pagkansela ng samahan sa una nitong beneficiary na Munting Tahanan ng Nazareth sa isang di maiiwasang pagkakataon, ang MTY ay nagpasiyang ituloy ang paghahatid ng munting kasiyahan sa isang komunidad ng Aetas sa probinsiya ng Tarlac.
Nakakataba ng puso ang magiliw na pagtanggap sa amin ng mga tagaroon. Hindi namin ipinagmamalaking pumunta doon upang magtaas nang kung sino mang pangalan, bagkus ay lubos ang aming kapasalamatan dahil sa pamamagitan ng munting inisyatibong ito ay naiparating namin ang diwa ng Pasko sa isang lugar na kalimitan ng nalilimutan ito.
Maraming salamat mga kapatid namin. Marami kaming natutunan sa inyo. At sa susunod nating pagkikita! Maligayang Pasko!
Nais din pong ipaabot ng MTY ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakiambag at nakiisa sa layunin ng MTY. Nawa’y maging simula na po ito ng hakbang para sa pagpapabuti ng ating bayan sa pamamagitan ng pagtulong at pag-aakay ng pag-asa sa mga nangangailangan nito.
Magsilbi Tamu!

No comments:
Post a Comment