Saturday, December 7, 2013

"TANGLAWAN"

Napakasarap po sa pakiramdam ang malamang mayroon pang mga taong walang sawang tumutulong nang walang hinihintay na kapalit sa kanilang kapwa, anumang oras, lalo na ngayong papalapit na ang Pasko sa ating bayan.

Kami pong Magsilbi Tamu Youth, na isang samahan ng mga kabataan sa syudad ng San Fernando, ay isa lamang sa mga grupo na nagnanais sundan ang mga hakbangin ng pakikipagkapwa, at nakalaan ang panahon upang bigyan ng kakaunting ngiti ang mga kapuspalad ngayong dadating sa kapaskuhan.

Dahil dito, buong puso naming napagkasunduan na magsagawa ng isang Outreach Program sa Munting Tahanan ng Nazareth, isang bahay ampunan sa mga may kapansanan sa lungsod ng Mabalacat, sa ika-24 ng Disyembre, araw ng Martes, 9:00am hanggang 1:00pm. Tinatayang may bilang na 40-45 na benepisyaryo ang aming dadatnan sa lugar na iyon.

Nais po naming magsagawa ng isang maliit na programa at mga palaro na kapapalooban ng mga papremyo at regalo. At sa katapusan ng aming pamamalagi ay magnanais na makapaghandog ng pagkain at mga donasyon.

Inaanyayahan po namin ang lahat sa aming mga naisin sa pamamagitan ng paghahandog ng anumang halagang maitutulong natin upang maisakatuparan ito.

Tunay pong buhay at maalab ang makatao’t malinis na adhika ng pagtulong. Makakaasa po kayo na hindi tayo mabibigo sa ating sisimulang hakbang upang mapabuti ang ating lipunan.


No comments:

Post a Comment